'Pantawid ng Pag-ibig': Mga gulay mula Benguet inangkat para maibenta sa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at May 11 2020 07:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Malaki sana ang inaasahang benta ng mga flower growers ng Benguet lalo at pinagdiwang kamakailan ang Mother's Day, pero dahil sa enhanced community quarantine, matumal ang kanilang kita.

Damay din sa mahinang kita bunsod ng lockdown ang mga magsasaka ng gulay.

"Halos naka-close 'yong market ng flowers kaya 'yong ibang cut-flowers farmers, ginawang compost 'yong bulaklak nila po," anang magsasaka na si Jones Limwas.

Sa pamamagitan ng ABS-CBN Foundation, naangkat ang gulay ng mga magsasaka mula Tublay, Benguet para direktang ibenta sa mga mamimili sa Metro Manila.

Sa loob ng 2 araw, dumagsa ang mga online order para sa mga gulay. Naubos rin ang mga panindang gulay na dinala sa La Mesa Ecopark noong nakaraang Biyernes.

"Nakakatulong sa farmers kasi nabenta 'yong gulay nila na direct sa consumer," ani Limwas.

"Mas maganda 'yon kasi mas malaki kita ng farmer natin," dagdag niya.

Ikinasa ang pagtulong sa mga taga-Tublay dahil sila ay partner ng iLOVE Foundation na itinatag ni dating ABS-CBN Foundation head Gina Lopez.

"Nag-confirm tayo na kukuha tayo ng 1,000 dozens of flowers and 'yong 5 tons of vegetables," ani Sarah Alcayde-Agcaoili, officer in charge ng Save La Mesa Watershed Project sa ilalim ng Bantay Kalikasan.

"Napakaganda kasi nung proyekto... maaaring maulit pa ito," ani Agcaoili.

Isang donor ang bumili ng 100 bouquet ng bulaklak at ibinigay sa ABS-CBN Foundation para iregalo bilang pasasalamat sa health workers sa 11 ospital sa Metro Manila.

Kasama ng bulaklak ang mga bigay na tsokolate ng Wrigley's at mga kahon ng face mask.

Mayroon pang nakalap na sulat ng mga pasasalamat mula sa mga batang kinakalinga ng Bantay Bata sa children's village.

"Sobrang touching, mas mabo-boost, mamo-motivate 'yong frontliners namin," ani April Alba, administrative officer mula sa Valenzuela Citicare Medical Center.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.