Tulong na face mask, hygiene kits hinatid sa iba't ibang probinsiya

ABS-CBN News

Posted at May 04 2020 08:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Habang abala ang mga ospital sa Pangasinan sa pag-asikaso ng mga pasyente, busy rin ang kanilang provincial health office sa pagsagot sa mga tawag tungkol sa coronavirus disease (COVID-19).

"Naglagay tayo ng hotline para tayo ay maka-assist sa mga kababayan po natin," ani provincial health officer Anna De Guzman.

Sa provincial health office ng Pangasinan inihatid ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya ang mga face mask, hygiene kits at alcohol para sa Pangasinan Provincial Hospital, na isa sa mga nanawagan ng karagdagang personal protective equipment (PPE).

Bukod sa Pangasinan, nagdala rin ng kahon-kahong face masks, alcohol, at hygiene kits sa Tarlac, Zambales, Quezon, Laguna, Batangas at Cavite.

Nauna na ring nagdala ng PPE ang Lingkod Kapamilya sa 65 ospital sa Metro Manila.

"We are still here, giving service kasi ito po ang profession naming bilang doctor," anang doktor na si Manuel Parungao mula sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

"Thank you po sa donations," dagdag niya.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.