Napakainit! Temperatura sa Metro Manila, pumalo sa 36.5 degrees Celsius

ABS-CBN News

Posted at May 04 2020 04:52 PM

Filipinos line up to get cash relief under the social amelioration program in Quezon City on May 4, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Naitala Lunes ang pinakamataas na temperatura sa Metro Manila sa panahon ng tag-init ngayong taon, ayon sa PAGASA.

Umabot sa 36.5 degrees Celsius ang naitalang temperatura mula sa Science Garden sa Quezon City bandang 3:45 p.m., ayon sa PAGASA.

Umabot rin sa 41 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa parehong oras, dagdag ng PAGASA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.