75,000 ready-to-eat meals naipamahagi ng ‘Pantawid ng Pag-ibig’ sa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 05:44 PM | Updated as of May 01 2020 01:52 PM

Aabot sa 75,000 na food packs na ang ipinamahagi ng kampanya sa lahat ng siyudad sa Metro Manila sa pagpapairal ng "Pantawid ng Pag-ibig." ABS-CBN News

MAYNILA - Mula pa noong Nobyembre 2019 nananatili sa basketball court sa barangay Addition Hills ang ilang nasunugan sa lugar.

Isa rito si Remedios Cabral, 69 anyos na sa maliit na tent nag-Pasko at Bagong Taon. Doon na rin aniya sila naabutan ng enhanced community quarantine.

“Wala na talaga kaming hanapbuhay kasi mga senior na kami, eh binibigyan-bigyan na lang kami ng mga anak namin,” ani Cabral.

Kabilang sila sa mga hinatiran ng ready-to-eat meals sa ilalim ng “Pantawid ng Pag-ibig” campaign ng ABS-CBN.

“Maraming tao ang napasaya, maraming nagsasabi na nagugutom na sila pero itong nagbigay ang Caritas at Bayanihan, at itong ABS-CBN malaking tulong sa kanila dahil hindi na nila lulutuin pa, direkta na nilang kakainin,” ani Angela Tubillo, coordinator ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid.
 
Aabot sa 75,000 na food packs na ang ipinamahagi sa lahat ng siyudad sa Metro Manila sa pagpapairal ng kampanya.

Tinatayang nasa mahigit 4,500 kada araw ang ibinibigay na food packs para sa mga pamilyang umaaray sa enhanced community quarantine, maging sa mga frontliner na naninilbihan ngayong may banta ng coronavirus.

Kabilang sa mga katuwang ng kampanya sa pamamahagi ng food packs ang mga sumusunod:

  • Pampanga's Best
  • The Bistro Group
  • Phil. Eggboard Association
  • Jollibee
  • Greenwich
  • Chowking
  • Kenny Rogers Roasters
  • Unilever Food Solutions

Malaki ang pasasalamat ng ilang lokal na pamahalaan sa kampanya.

“Nandito po kami nagpapasalamat dahil kung di dumating ang inyong tulong na bigas, canned goods, even pagkain ng frontliners na ready to eat, kung di dumating yung mga yun, sinave nyo kami,” ani Analyn Mercado, social services department head ng Muntinlupa City.

Ayon kay Susan Afan, Managing Director ng ABS-CBN Foundation, malaking hakbang ang kampanya para matulungan ang gobyerno ngayong may banta ng coronavirus.

“Hindi kaya ng iisang sektor ang problemang ito. We really have to help the government, we really have to help one another,” ani Afan.

Naghahanda na rin aniya ang ABS-CBN Foundation sa mga sumusunod pang hakbang upang patuloy na umagapay sa mga nangangailangang Kapamilya.

“We are also talking about trying to create community food banks because alam naman natin na baka medyo matagalan ito and we have to make sure our people do not go hungry,” ani Afan.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga partner na nagpaabot ng kanilang tulong:

  • CDO Foodsphere
  • Champion Detergent
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Great Taste 3-in-1
  • Hana Shampoo
  • International Pharmaceuticals Inc.
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • Lucky Me
  • Mega Sardines
  • Quick Chow Noodles
  • Rebisco
  • Safeguard

Kung nais tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.