P800-K halaga ng shabu nakumpiska sa Zamboanga City

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2019 12:31 AM

ZAMBOANGA CITY - Tiklo ang isang lalaki sa isang operasyon kontra droga sa Barangay Kasanyangan, Zamboanga City Huwebes.

Nasabat mula sa 35 anyos na suspek ang nasa 115 gramo ng hinihinilang shabu na nagkakahalaga ng P800,000.

Maliban sa droga, narekober rin ng pulisya mula sa kaniya ang ilang drug paraphernalia at P800,000 marked money.

Inamin ng suspek na siya ang nagmamay-ari ng droga na binili niya umano sa Sulu.

Magsasampa ang pulisya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.