5 timbog sa drug session sa QC

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2019 05:09 AM

MAYNILA - Arestado ang 5 katao matapos umanong maaktuhang gumagamit ng shabu sa Barangay Bagumbayan, Quezon City Huwebes ng gabi.

Ayon sa Eastwood Police Station, nakatanggap sila ng reklamo ukol sa umano'y drug session sa isang commercial building.

Napag-alamang empleyado ang 4 sa gusali. Dalawa ay nakatalaga sa maintenance habang ang 2 ay nagtatrabaho sa canteen. 

Nakuha sa mga suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Kinagalit ng maintenance supervisor ang pagkahuli sa mga tauhan niya dahil nangako ang mga ito na hindi masasangkot sa ilegal na gawain. 

Aminado ang mga suspek na gumagamit ng droga. Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.