4 tiklo sa drug raid sa Davao

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2019 12:01 PM

Nakuha mula sa suspek ang apat na sachets ng hinihinalang shabu at tatlong sachets ng umano'y marijuana. Larawan mula sa Buhangin Police

DAVAO CITY – Timbog ang apat katao, kabilang ang isang 15-taong gulang na babae, sa isinagawang drug raid ng Buhangin Police sa Dumanlas Road, Barangay Buhangin Proper, Huwebes.

Nakumpiska mula sa kanila ang 4 na sachets ng hinihinalang shabu at 3 ziplock ng umano’y marijuana.

Ayon kay Police Brigadier General Marcelo Morales, Police Region 11 director, dismayado siya sa paggamit ng mga nakatatanda sa mga menor de edad sa ilegal na gawain.

"PRO 11 emphasizes the important role of parents in keeping these kids off the streets,” sabi ni Morales.

Nasa kustodiya na ng Buhangin Police ang mga suspek na kakasuhan ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang menor de edad naman ay isasailalim sa discernment evaluation ng Davao City Social Services and Development Office.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.