11 tiklo sa anti-drug ops sa Malate

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2019 05:14 AM

MAYNILA - Arestado ang 11 katao sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Malate, Maynila nitong Huwebes.

Sa San Andres St., huli ang 4 na lalaki at 1 babae sa buy-bust operation. Nakuha sa kanila ang 75 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P500,000.

Ayon kay Police Capt. Gil John Lobaton ng Malate police, modus ng mga suspek ang mag-check-in sa mga motel para roon makipagtransaksiyon.

Samantala, timbog rin ang 4 na iba pa, kabilang ang isang barangay tanod, sa hiwalay na buy-bust operation. Narekober sa kanila ang 6 na sachet ng umano'y shabu.

Dalawang babae rin ang naaktuhang nagbebenta ng shabu sa isinagawang anti-criminality operation ng Malate police.

Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.