Babae, sugatan sa pananambang sa Bulacan

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2019 10:27 PM

MAYNILA - Sugatan ang isang babae matapos tambangan ng tatlong lalaki sa Barangay Manatal sa bayan ng Pandi, Bulacan Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Pamela Marquez. 

Ayon kay Police Col. Chito Bersaluna, sakay ng isang sports utility vehicle (SUV) ang biktima at drayber nito nang pagbabarilin ng mga salarin. 

Posible aniyang may motorsiklo na nag-abang sa unahan ng SUV upang timbrehan ang mga suspek. 

Agad isinugod sa ospital ang biktima habang nakatakas naman ang mga armadong lalaki. 

Ayon kay Bersaluna, nakakausap naman si Marquez ngayon pero kailangan pang operahan dahil may naiwan pang bala ng baril sa kaniyang katawan.

Inaalam pa ang motibo sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.