'Pantawid ng Pag-ibig' campaign nakalikom ng P350-M; nakatulong sa 600,000 pamilya

ABS-CBN News

Posted at May 01 2020 08:30 PM | Updated as of May 01 2020 10:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sa tila pagtigil ng mundo dahil sa enhanced community quarantine, sinikap ng Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN na umalalay sa mga lubos na naapektuhan sa lockdown.

At sa halos P350 milyong nalikom, mahigit 600,000 pamilya sa
buong Kamaynilaan at karatig-probinsiya ang nahatiran ng tulong.

Sa isang pahayag, sinabi ng network giant na nakinabang dito ang aabot sa 600,000 pamilyang Pilipino na lubos na naapektuhan ng lockdown sa unang bugso ng kampanya.

“Sa tiwala at suporta ng mga Pilipino sa buong mundo, umabot na sa P350 milyon ang nalikom ng “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) para sa benepisyo ng mahigit 600,000 pamilyang lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ),” anila sa isang pahayag.

Sa kampanya, ipinaabot ng ABS-CBN ang mga donasyon sa mga lokal na pamahalaan, na siyang gumagamit ng mga ito sa pagpuno ng kanilang mga food at relief packs para sa mga apektado ng lockdown.

Aabot anila sa P293 milyon ang natanggap nilang cash donation. Nadagdagan din anila ito ng P56.8 milyong halaga ng donasyong produkto.

"Sa ngayon meron na tayong 350 Million received as donations, andoon na tayo sa 310 M of which worth of goods na-distribute na natin sa 17 LGUs in NCR at lumabas din tayo sa Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna. Lahat ng ito is because of pag-ibig at pagtitiwala," ani Jun Dungo, program director ng Sagip Kapamilya.

Nakarating na rin sa mga siyudad ng National Capital Region ang tulong mula sa kampanya, at sa ilang parte ng Greater Metro Manila gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Bukod sa mga pamilya, hinatiran na rin ng tulong ang mga hospital at military, at security frontliners.

Nakapaghatid na rin ng 75,000 food packs sa tulong ng Pampanga’s Best, The Bistro Group, the Philippine Egg Board Association, Jollibee, Greenwich, Chowking, Kenny Rogers Roasters, at Unilever Food Solutions ang kampanya at 46,000 tinapay sa tulong ng mga donor gaya ng Aboitiz at Starbucks.

Bukod sa mga nagpamahagi ng pagkain, nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa kampanya:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.