TINGNAN: Ellen Adarna, naglabas ng larawan kasama ang anak na si Elias

ABS-CBN News

Posted at May 12 2020 11:38 AM

MAYNILA — Sa unang pagkakataon matapos niyang bumalik sa social media ay nagbahagi ang aktres na si Ellen Adarna ng kanyang larawan kasama si Elias Modesto, ang anak nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna) on

Ibinahagi ito ni Ellen sa Instagram para sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Sa caption ng larawan, ang mga emoji ng mag-ina at puso ang inilagay ni Ellen.
 
Sa larawan, kitang karga ni Ellen ang bata na nakatalikod. 

Agad namang bumuhos ang pagbati ng “Happy Mother’s Day” kay Ellen mula sa kanyang mga tagahanga at ilang mga taga-showbiz kabilang na sina Anne Curtis, Isabelle Daza at Jessy Mendiola. 

Matatandaang taong 2017 nang magsimulang magpahinga mula sa showbiz si Ellen maging si John Lloyd.
 
Sa nakalipas na ilang buwan ay lumabas naman ang balitang naghiwalay na ang dalawa. Wala pa namang diretsahang kumpirmasyon mula kay Ellen at John Lloyd. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.