Dimples Romana, nagbigay-pugay sa ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at May 12 2020 11:23 AM

MAYNILA — Isang pagpupugay ang ibinigay ng aktres na si Dimples Romana para sa ABS-CBN na itinuturing niyang tahanan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Dimples ang video kung saan ipinahayag niya ang kanyang saloobin sa utos ng National Telecommunications Commission tumigil sa pag-ere ang ABS-CBN.

“Ilang araw ko na din pinipigil ang mga luhang ito. Pero share ko na sa inyo Mother’s Day naman. I always show you every joy that we have here at home, kasama ang aking makulit na pamilya. You have laughed with me and I think it’s only fair that I also share with you how I am through adversities in the hopes that you’ll know how I hang on to my faith in times of darkness and how we too can rise above every hurdle that we encounter through Christ’s help and grace. Bukas is a new day. But today let me share with you the true state of my heart - ngayong pong araw ng mga ina,” pauna ni Dimple sa caption ng kanyang post.

Sa video ni Dimples, ibinahagi niya ang naging tulong ng ABS-CBN, hindi lang sa kanya kung hindi sa buo niyang pamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

“Gusto ko lang po magbigay ng pugay sa aking tahanan at sa inang itinuturing ko. Dahil sa maraming taon po na nagtatrabaho ako sa aking pamilya para maitaguyod ang aking mga kapatid at ang aking mga magulang at ngayon po ang aking pamilya, hindi po ako binitawan ng ina kong ito," ani Dimples patungkol sa ABS-CBN.

"Dito ko po natutunan na maging mabuti sa kapwa. Dito ko po natutunan ang tunay na ibig sabihin ng pamilya. Kaya pasensya na po kayo kung nagiging emosyonal kami, ako. Siguro sa sobrang pagmamahal na rin at utang na loob na tinatanaw namin sa aming mga kapamilya. Ang serbisyo na ibinibigay namin ay kasama sa aming harangin na makapagbalik,” dagdag ng aktres na hindi na napigil ang mapaiyak,” dagdag ng aktres.

At sa kabila ng mga luha, naniniwala si Dimples na malalampasan ng ABS-CBN ang pinagdadaanan nitong pagsubok.

“Ang mensahe pong ito ay isang pagpupugay at pagmamahal sa aming ina. To my ABS-CBN family who has been like a mother to me for the past two decades, hang in there, Kapamilya. We will see through this hurdle and we will be with one another. I know na madilim ngayon pero alam ko rin po at naniniwala ako, I have faith, na mabibigyan po tayo muli ng pagkakataon. Sama-sama po tayong magdasal sa lahat po ng sumusuporta at nagmamahal, maraming maraming salamat po sa inyo. Alam ko marami tayong pinagdadaanan ngayon pero kakayanin natin ito,” ani Dimples.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.