PANOORIN: Ina ni Vice Ganda, napaiyak dahil sa sorpresa

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2019 11:22 AM

MANILA -- Hindi napigilan ni Rosario Viceral, ina ng "It's Showtime" host na si Vice Ganda, na mapaiyak sa sorpresang handog ng anak.

Sa pagbisita ni Mommy Rosario kasama ang iba pang celebrity lolas sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, naging emosyonal ang ina ni Vice habang binabasa ang sorpresang liham mula sa "It's Showtime" host na tinatawag niyang "Tutoy."
 
Sa liham, inalala ni Vice ang palaging pagsusulat ng kanyang ina ng excuse letter tuwing hindi siya nakakapasok sa eskuwela.

At ngayong abala siya sa kanyang mga gawain sa showbiz, si Vice naman ang nagsulat ng excuse letter sa kanyang ina dahil sa nawawalang panahon na magkasama sila.

Giit ni Vice, batid niyang hinahanap-hanap siya ng ina at gayundin siya.

"Tutoy is so busy but he always thinks about you. Your face is always in his mind. He feels your love, he longs for your embrace... You were his mother that gave him the heart to care for other people. You were the teacher who gave him his basic learnings about love, sacrifice, and forgiveness. You are the blessing that reminds him that there's an amazing God. You are the first and last woman that Tutoy will ever love," ani Vice sa liham na binasa ng kanyang ina.

"I miss you, Nanay. See you very soon. Hoping for your kind consideration. Respectfully yours, Tutoy."

Bilang reaksiyon sa sulat ng kanyang anak, sinabi ni Mommy Rosario na wala siyang tampo at tanging panahon lang para magkasama sila ang nais niya mula sa bunsong anak. 

"Naglalambing lang ako, anak, kasi ikaw ang bunso. Ikaw ang unang nawalay when you were still very young. Alam kong marami kang tampo, anak. Now that I am home, I'm also trying to give what you have missed. Hindi ako nagtatampo sa iyo, gusto ko lang talaga na you will spend more time with me kasi I don't know how long I will be here. So thank you, anak, for your letter. You are excused," ani Mommy Rosario na muling ipinahatid ang pagmamahal sa anak.

Narito ang nakakaantig na tagpo sa "Magandang Buhay" na nagpaiyak sa ina ni Vice Ganda.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.